NTF, nagbabala sa mga naglipanang pekeng saliva test

Nagbabala ang National Task Force against COVID-19 sa pubiko laban sa pekeng COVID-19 test na ibinebenta online.

Ayon kay Testing Czar Vince Dizon, tanging ang Philippine Red Cross (PRC) lamang ang binigyan ng awtorisasyon para magsagawa ng saliva test.

Ipinagbigay-alam na ni Dizon sa Department of Health (DOH) ang mga natanggap nilang ulat hinggil sa mga nagbebenta ng unauthorized saliva tests online.


Matatandaang sinabi ni PRC Chairperson Richard Gordon, ang mga pekeng COVID-19 tests ay ibinebenta sa halagang ₱1,000.

Ang accuracy ng saliva testing ay nasa 98.23%, halos kaparehas ng 99% accuracy ng RT-PCR test.

Facebook Comments