Pangulong Duterte, nais mapabilis ang rollout ng Sinovac vaccines

61

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na matiyak na maayos na mailulunsad ang Sinovac vaccines.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi na maaaring masayang ang panahon sa pamamahagi ng mga bakuna.


Pagtitiyak ng Pangulo na sinisikap ng pamahalaan na magiging maayos ang vaccination rollout.

Ang pagdating ng 600,000 CoronaVac doses na donasyon ng China ay hudyat ng unti-unting pagtatapos ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Kumpiyansa rin si Pangulong Duterte na mas maraming doses ang agad na magagamit sa bawat Pilipino.

Kaugnay nito, nagpapasalamat si Health Secretary Francisco Duque III sa China sa donasyong bakuna at sa mga naunang tulong na ipinadala nito sa Pilipinas mula nang pumutok ang pandemya sa bansa kabilang ang pagpapadala ng mga eksperto, donasyong Personal Protective Equipment (PPE), testing kits at iba pang equipment.



Facebook Comments