Sisimulan na ng National Task Force (NTF) against COVID-19 ang pagpapalawak ng pilot run ng bakunahan sa 17 Local Government Units (LGU) sa Metro Manila.
Ayon kay NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez bahagi pa rin ito ng expansion ng pediatric vaccination laban sa COVID-19 sa iba pang mga ospital sa NCR.
Sinabi ni Galvez na ang mga LGU na mismo ang magtatalaga ng ospital sa kanilang nasasakupan na magsisilbi naman bilang vaccination site ng mga kabataan.
Sa kasalukuyan kasi, limitado pa lamang sa walong ospital sa kalakhang Maynila ang pagbabakuna sa mga 12 hanggang 17 taong gulang na mayroong comorbidities.
Ani Galvez, sa October 22 na ito sisimulan.
Pagtitiyak pa ng kalihim, mananatiling ligtas, by phased, sequential, at mahigpit na babantayan ang bakunahan sa mga kabataan.