NTF, sinabing handang-handa na ang Boracay sa napipintong pagbubukas muli sa turismo

‘All systems go’ na para sa nalalapit na pagbubukas muli ng isla ng Boracay sa mga turista.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na handang-handa na ang Boracay na tumanggap muli ng mga bakasyunista.

Ayon kay Año, nagkausap sila ni Tourism Sec. Bernadette Romulo Puyat hinggil sa mga dapat gawin ng isang turista kung bibisita sa Boracay.


Paliwanag nito, mahigpit na ipatutupad ang “Test Before Travel” rule, kung saan ang mga bakasyunista ay kailangang sumailalim sa (RT-PCR) test 48-72 hours bago ang pagbisita sa Boracay Island.

Mayroon na rin dapat itong confirmed hotel booking at QR Code nang sa gano’n ay namomonitor pa rin ang galaw ng mga indibidwal sa isla.

Samantala, saka-sakaling may magpositibo sa virus ay mayroong mga isolation facilities na inilaan ang Kalibo Local Government Unit (LGU).

Nabatid na simula sa Oktubre a-uno ay tatanggap na muli ng mga turista ang Boracay mula sa iba’t ibang panig bansa.

Facebook Comments