Dating Speaker Alvarez, tinawag na ‘bugok’ ang mga nagsabing nasa oposisyon na siya

369

Tinawag na ‘bugok’ ni dating Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang mga indibidwal na nagsasabing siya ay nasa panig na ng oposisyon.

Ito ay matapos na magkomento si Alvarez na palpak ang COVID-19 response ng pamahalaan dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso sa bansa.

Ayon kay Alvarez, hindi niya sinisiraan ang administrasyon, obligasyon niya na sabihin ang totoo bilang isang mamamayan at kinatawan ng kanyang distrito.

Nilinaw rin ng opisyal na hindi niya binabatikos ang Pangulo kundi ang mga taong inatasan na manguna sa sitwasyon.

Muling inirekomenda ni Alvarez sa pamahalaan na i-reassess ang approach ng gobyerno laban sa COVID-19 upang mapababa ang kaso at makapagsimula na ang bansa sa COVID recovery.

Facebook Comments