Nanawagan ang National Task Force (NTF) against COVID-19 sa mga nangangasiwa ng campaign rallies ng mga kandidato na tutukan ang pagsunod ng kanilang mga tagasuporta sa minimum health protocols.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NTF Medical Adviser Dr. Ted Herbosa na base sa mga napapanuod niyang pagtitipon na may kinalaman sa pangangampanya, marami ang talaga namang lumalabag sa mga panuntunan.
Kabilang dito ang pakikipagkamay ng mga kandidato at pakikipag-selfie gayundin ang hindi tamang pagsusuot ng face mask at hindi nasusunod na social distancing.
Kapansin-pansin din ang pagsigaw ng supporters at ilan pang high risk activities.
Nangangamba aniya ang pamahalaan na baka dahil sa ganitong mga kapabayaan ay muli na namang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ani Herbosa, walang puwang ang pagpapabaya lalo na’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.