Nagpahayag ng suporta sina Partido Reporma presidential aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential aspirant Senador Vicente “Tito” Sotto III sa executive Order ng Palasyo ng Malakanyang para sa pagsusulong ng nuclear energy.
Ayon sa Lacson-Sotto tandem, ang nuclear energy ang pinakamalinis at pinakamura na energy resources kung maipapatupad.
Paliwanag pa ng dalawang senador, malaki ang matitipid na gastusin ng mga kababayan natin sakaling matuloy na ang operasyon nito.
Dagdag nila, sa ngayon umaasa ang bansa sa coal energy na mahal at inaangkat pa sa Australia kung kaya’t napapanahon na pag-aralan ng maigi ang paggamit ng nuclear power plant sa bansa.
Subalit, nangangamba pa rin ang mga beteranong senador sa kaligtasan kung hindi ito pag-aaralang mabuti.
Inihalimbawa pa nila ang nangyaring pagsabog noon ng nuclear power plant sa Chernobyl sa Ukraine at sa Saitama sa Japan.