Dumaong sa Maynila ang nuclear-powered US aircraft carriers na USS Ronald Raegan para sa isang port visit kahapon.
Kasama nito ang Ticonderoga-class guided missile cruisers na USS Antientam (CG 54) at USS Chacellorsville (CG 62).
Pero bago dumaong sa Maynila, nag-layag ang USS Ronald Reagan sa West Philippine Sea sa gitna ng pagiging agresibo ng China sa teritoryo.
Ayon kay Task Force 70 Commander Rear Admiral Karl Thomas, ang pagbisita ng barko ay pagpapakita ng matatag na relasyon ng Pilipinas at Amerika.
Lulan ng aircraft carrier ang 5,000 crew na magsasagawa ng cultural activities at sporting events kasama ang Philippine Navy.
Facebook Comments