Nuclear program ng NoKor, malabong mabuwag ng mga garantiya ng US – Putin

Naniniwala si Russian President Vladimir Putin na hindi sapat ang mga garantiya ng Estados Unidos para buwagin ang nuclear program ng North Korea.

Pahayag ito ng Russian leader kasabay ng face-to-face talks nito kay North Korean leader Kim Jong Un.

Masigasig din si Putin na gamitin ang pagkakataong i-angat ang diplomatic credentials ng Russia bilang global player.


Ayon kay Putin – kinakailangang may suporta ang US guarantees sa iba pang bansa na kasama sa six-way talks sa nuclear issue.

Maliban sa US at North Korea, kabilang sa pag-uusap ang Russia, China, Japan at South Korea.

Iginiit din ni Putin na dapat international, legally-binding ang mga guarantee ng Amerika at protektado rin ang soberenya ng North Korea.

Facebook Comments