Nueva Ecija at Aurora, nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa Bagyong Karding

Nawalan ng suplay ng kuryente ang buong probinsya ng Nueva Ecija at Aurora kasunod ng pananalasa ng Typhoon Karding.

Sabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla, apektado rin ang power supply sa ilang lugar sa Tarlac, Zambales, Pampanga at Quezon Province.

Sa ngayon, sinisikap na ng DOE na maibalik ang mga bumagsak na transmission line.


Pero paglilinaw ni Lotilla, kahit magbalik-operasyon ang mga transmission line ay dapat na maisayos din ng mga electric cooperative ang kanilang pasilidad para masuplayan muli ng kuryente ang mga kabahayan at establisyimento.

Sa usapin naman ng komunikasyon, sinabi ni DICT Secretary Ivan Uy na nanatiling ‘intact’ ang serbisyo ng mga telco sa mga lugar na dinaanan ng bagyo maliban sa mga probinsya ng Ilocos Norte at Quezon.

Facebook Comments