Nueva Ecija, plano na rin isailalim sa land reform program

Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa agrarian reform program ang lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon sa Pangulo – magpapadala siya ng mga opisyal sa susunod na linggo para ipatupad ang land reform sa probinsya.

Sinabi pa ng Pangulo na may mga nakausap siyang community members na nangangamba sa problema sa lupa at tubig sa kanilang mga lugar.


Plano rin ng Pangulo na bisitahin ang Sagay, Negros Occidental para sa isang agrarian reform event.

Nais ng Pangulo na mapakinabangan ng mga benepisyaryo ang mga lupain ng gobyerno.

Sa ngayon, aabot na sa 60,000 land titles ang naibigay ng gobyerno sa land reform beneficiaries.

Facebook Comments