CAUAYAN CITY – Pinag-uusapan ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang pagmungkahi sa pambansang antas ng Kagawaran na gawing “Spice Capital” ng bansa ang lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ayon kay DA Regional Director Rose Mary Aquino, may potensyal at kayang makipagsabayan sa mga inaangkat na spice ang inaani na produkto sa nabanggit na lalawigan katulad ng mga high quality garlic, onion, at ginger.
Dagdag pa nito na patuloy ang kanilang panghihikayat sa mga spice farmers at pagbibigay ng tulong sa mga ito upang lalo pang mapataas ang kanilang produksyon.
Kabilang sa isinasagawag pagtulong ay ang pagpapatayo ng Onion Cold Storage sa Brgy. Santa Maria sa bayan ng Dupax del Sur.
Nakatanggap rin ang Abuyo Onion Farmers Association ng P61.2-M para sa onion seed assistance at cold storage.
Samantala, dalawang Onion Cold storage facilities rin ang itinayo sa Aritao para sa pag-preserba ng kanilang mga aning sibuyas.