Cauayan City, Isabela- Bumaba sa dalawampu’t dalawa (22) ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Sa datos mula sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit, nakapagtala ang probinsya ng dalawang (2) gumaling sa sakit, isang (1) panibagong kaso at isang (1) nasawi.
Ang dalawang naiulat na new recoveries ay sina CV 2695 na taga Busilac, Bayombong
Habang ang naitalang isang positibo ay si CV 2961, 38 taong gulang na lalaki, truck driver mula sa Murong, Bagabag na may travel history sa bayan ng Alicia, Isabela.
Nakapagtala rin ang probinsya ng isa (1) pang death case na si CV 2644, 49 taong gulang na lalaki mula sa Osmeña, Solano.
Base sa diagnosis ng namatay, nagpositibo ito sa COVID-19 at may Community Acquired Pneumonia, Moderate Risk; Liver Tumor with moderate dehydration; at Anemia secondary to Malignancy.
Sa kasalukuyan, umabot sa 629 ang total confirmed cases sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya, 586 ang nakarekober at 21 ang nasawi.