Nueva Vizcaya, Mayroon ng 25 na COVID-19 Related Deaths

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa dalawampu’t lima (25) ang naitalang COVID-19 related deaths sa probinsya ng Nueva Vizcaya.

Batay sa impormasyon na inilabas mula sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit, nakapagtala na ang probinsya ng 25 na COVID-19 positive na binawian ng buhay simula nang umusbong ang nakamamatay na sakit sa buong mundo.

Ang nasabing bilang ay kabilang sa 733 na naitalang total confirmed cases sa probinsya na kung saan ay 702 na ang nakarekober.


Kaugnay nito, mayroon pang natitirang anim (6) na aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya matapos na makapagtala ng tatlong (3) panibagong kaso.

Ang tatlong bagong nagpositibo ay sina CV6572, 44 taong gulang na lalaki ula Balete, Diadi, may travel history sa Quezon, Nueva Vizcaya at may commorbidity na Asthma; CV6643, 33 taong gulang na lalaki, healthworker mula District IV, Bayombong at kasalukuyang naka strict quarantine sa ospital; CV6664, 41 taong gulang na babae mula Balete, Diadi at nahawaan ng kanyang live-in-partner na si CV6572.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang contact tracing para sa mga taong direktang nakasalamuha ng mga bagong tinamaan ng virus.

Facebook Comments