Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng isang (1) casualty at tatlumput walo (38) na positibong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Nueva Vizcaya ngayong araw, September 20, 2020.
Batay sa ibinigay na impormasyon ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit kay Dr. Edwin Galapon, provincial health officer, as of 8:00am ngayong araw, 38 ang naidagdag sa COVID-19 cases ng Nueva Vizcaya na nagdadala sa kabuuang bilang na 439 habang isa (1) ang naitalang nasawi.
Ayon kay dr. Galapon, ang namatay ay si CV1103, isang 53 taong gulang na lalaki mula sa Homestead sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya.
Siya ay tuluyang binawian ng buhay habang naka-isolate sa Region II Trauma and Medical Center (*R2TMC*) sa bayan ng Bayombong.
Sa kasalukuyan, mula sa 439 na total cases ng COVID-19 sa Nueva Vizcaya, 275 dito ang aktibo, 150 ang nakarekober at umabot naman sa 14 ang nasawi.