Cauayan City, Isabela- Nadagdagan ng 164 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa probinsya ng Nueva Vizcaya.
Dahil dito, umakyat sa 458 ang bilang ng aktibong kaso sa Lalawigan habang may 66 naman na naidagdag sa bilang ng mga gumaling.
Umaabot naman ngayon sa 2,206 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa virus.
Sa kasalukuyan, nasa 2,748 na ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa probinsya.
Samantala, nagpaliwanag si Dr. Edwin Galapon, provincial health officer ng Nueva Vizcaya, kanyang sinabi na may pagkakaiba sa datos ng Provincial Integrated Health Office at ng mga Rural Health Units dahil tanging RT-PCR o swab test confirmed positive lamang ang naisasama sa kanilang datos samantalang sa ibang RHU’s ay kasama na ang mga nagpositibo sa Rapid Antigen Testing.