Cauayan City,Isabela- Nanguna sa may pinakamataas na kaso ng teenage pregnancy sa buong Cagayan Valley ang lalawigan ng Nueva Vizcaya sa nakalipas na 3 taon.
Ito ang inihayag ni Bb. Elvira G. Tongson, Population Program Officer III at Provincial Population Officer ng lalawigan sa katatapos na Comprehensive Sexuality Education and Alternative Modalities Seminar para ipaalam sa mga magulang at kabataan ang sitwasyon kahit na may pandemya.
Pero, bahagyang bumaba na ang kaso nitong nakaraang taon.
Sa parehong taon, nakapagtala ng 157 cases ang bayan ng Solano na sinundan ng Bayombong na may 135 cases at Bagabag na may 104.
Sa nakakaalarma umanong datos,ibinahagi naman ni Bb. Maria Concepcion D. Absalon, Education Program Supervisor ng Department of Education-Division of Nueva Vizcaya ang kahalagahan ng mainstreaming comprehensive sexuality education (CSE) at integrating CSE key concepts sa K to 12 curriculum.
Dagdag rito, binigyang diin ni POPCOM-Region II Director Herita O. Macarubbo ang vital role ng mga Guro sap ag-aaruga sa kaalaman at kakayahan ng mga kabataan upang makagawa ng mas mahusay na mga pagpipilian para sa kanilang sarili at para sa kanilang hinaharap.
Nabanggit din niya na ang POPCOM 2 kasama ang Provincial Population Office ng Nueva Vizcaya ay magbibigay ng anumang kinakailangang suporta upang matulungan ang DepEd sa pagpapatupad ng CSE sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahalagang kaalaman tungkol sa sekswalidad at kalusugan ng kabataan.
Samantala, tiniyak din ng mga kalahok na magbigay ng kanilang buong suporta sa pagtugon sa hamon na isyu ng pagbubuntis ng kabataan pati na rin ang iba pang mga isyu na nauugnay sa kalusugan at pagbuo.