Matteo Guidicelli, pumalag sa mga kumukwestyon sa pagpasok bilang reservist ng Philippine Army

Nagsalita na ang Fil-Italian actor- model na si Matteo Guidicelli tungkol sa pagkwestyon sa kanyang pagsali sa Philippine Army bilang reservist.

Say ni papa Matteo – kasama ang kanyang girlfriend na si Pop Star Royalty Sarah Geronimo at mga magulang nito ang pumuna kanyang pagsali sa army.

Ayon pa sa actor – model, ito ang paraan niya para maipakita ang pagmamahal sa bansa at hindi puro giyera ang ginagawa ng army kundi ang pagtulong sa kapwa tulad na relief operations kapag mayroon kalamidad.


Sumali si Matteo sa army noong Abril 15 at magtatagal ito nang isang taon.

Facebook Comments