Manila, Philippines – Kasabay ng ika-walong anibersaryo ng Maguindanao massacre, dismayado pa rin ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa takbo ng kaso.
Ayon sa NUJP, sa 198 suspects sa massacre, 115 pa lamang dito ang naaresto at 112 ang na-arraign.
Apat naman sa mga naaresto ay patay na kabilang na si primary suspect Datu Andal Ampatuan, Sr.
Disyamado rin ang NUJP dahil sa 112 na na-arraign, pitumpu sa mga ito ang nakapag-piyansa.
Kabilang na dito ang bunsong anak ni Ampatuan Sr. na si Sajid Islam Uy Ampatuan.
Umaasa naman ang grupo na bago pa sumapit ang ika-siyam na anibersaryo ng karumal-dumal na krimen sa susunod na taon ay makakamit na ng mga biktima ang katarungan.
Kasama sa mga napatay sa nasabing masaker ang malaking bilang ng mga kagawad ng media.