Inatasan ng National Labor Relations Commission (NLRC) ang pamunuan ng The Daily Tribune na bayaran ng kaukulang benepisyo ang dating reporter na si Gab Humilde Villegas.
Naghain ng reklamo si Humilde Villegas laban sa pahayagan matapos madiskubre na hindi binabayaran ng kompanya ang kanyang Social Security System (SSS), Pag-IBIG at Philippine Insurance Corporation ng mahigit isang taon.
Ipinag-utos din ng NLRC sa nasabing pahayagan na bigyan si Humilde Villegas ng 13th month pay.
Bukod sa 13th month pay, una na ring himiling ni Humilde Villegas na mabayaran rin siya sa nangyaring moral at exemplary damages gayundin ang pagkuha niya ng abogado.
Nabatid na si Attorney Noel Neri ng Pro-Labor Legal Assistance Group ang nagrepresenta kay Humilde Villegas.
Ikinalugod naman ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang naging desisyon ng NLRC.
Pinaalalahan din ng NUJP ang mga may-ari ng media organizations na igalang ang karapatan ng mga mamahayag.