Libreng ticket sa mga OFW, ipamimigay ng embahada ng Pilipinas sa Cambodia para sa suporta sa Philippine team sa 2023 SEA Games

Nakatakdang mamahagi ng libreng tickets ang embahada ng Pilipinas sa Cambodia para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na kasalukuyang nagtatrabaho doon, ito’y upang mabigyan ng suporta ang Philippine team na lalaban sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Ayon sa embahada, mag-uumpisa ang kanilang pamamahagi ng libreng tickets sa darating na April 25, Martes, sa moblie applications at official website ng 32nd SEA Games.

Kapag nakapag-register na sa mobile app at sa official webpage ay maaarin nang makuha ang mga ticket sa Cambodia SEA Games Organizing Committee o camsoc sa tatlong malls ng AEON sa Phnom Penh.


Facebook Comments