*Cauayan City, Isabela- *Kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines ang nangyaring karumal-dumal na pagpatay sa 58 katao kabilang ang 32 mamamahayag noong Nobyembre 23, 2009 sa Maguindanao.
Ayon kay Director Nonoy Espina ng NUJP, sinabi nito na sa darating na Disyembre 20 ay inaasahang magdedesisyon na ang korte upang papanagutin ang utak sa nangyaring pagpatay sa miyembro ng media kabilang na ang asawa ni Governor Esmael “Toto”Mangudadatu matapos magbigay ng deadline ang Korte Suprema.
Ngayong araw ay ang ikasampung taon ng Maguindanao Massacre na halos pilit na binabalikat ng mga kaanak ng napatay na mga biktima ang sakit matapos ang insidente.
Umaasa naman ang NUJP maging ang mga kaanak ng biktima ng massacre na mapapanagot ang lahat ng nasa likod ng walang awang pagpatay sa mga ito
Photocourtesy: asianpolicypress