Number 1 high value target Richard Prevendido alyas Buang, itinaas na bilang national target ng PDEA at PNP

Iloilo, Philippines – Itinaas na ngayon bilang national target drug personality ng PDEA at PNP ang high value target number 1 ng western Visayas na si Richard Prevendido alyas Buang.

Ito ang naging hakbang ng Iloilo City Police Office at ng PDEA 6 sa isinagawang anti-drug abuse council meeting kahapon sa Iloilo City Hall.

Ito’y matapos hindi pa rin nahuli ang naturang drug personality na napakadulas at sinasabing nagtatago sa kabundukan sa lalawigan ng Iloilo.


Nananatili n aman sa isang milyong peso ang patong sa ulo ni Prevendido.

Samantala, nilinaw ng PDEA at ICPO na wala kahit isang city officials ang nasa kanilang watch list o target list ngunit hindi naman bababa sa sampung barangay officials ang nasa kanilang listahan.

Sinabi pa ni ICPO Director Sr. Supt. Remus Zacharias Canieso na merong 38 mga drug surrenderees sa oplan tokhang ang hindi na ma-locate sa ngayon base sa kanilang monitoring sa mga ito.

Facebook Comments