Number 1 most wanted ng Quezon City, naaresto na

33

Manila, Philippines – Matapos ang tatlong taong pagtatago, nahuli na ang number 1 most wanted ng Quezon City.

 

Ayon kay QCPD Dir. P/ Supt. Guillermo Eleazar, ang suspek na si Ian Bayani ay nahaharap sa kasong rape mula pa noong 2014.

 

Bukod rito, si Bayani rin ay sangkot sa paggamit at pagpapakalat ng droga sa Novaliches, Quezon City.

 

Noong una ay itinanggi ng suspek ang paratang pero matapos ang ilang sandali ay umamin na rin ito sa kaniyang kasalanan.

 

Ikinatuwa naman ng pamilya ng hinalay na biktima ang pagkakaresto kay Bayani.

 

Nabatid na walang piyansa na inirekomenda laban kay Bayani ang korte.

 

Facebook Comments