Tatlong menor de edad na ibinubugaw, nasagip ng NBI sa Laguna

Manila, Philippines – Nasagip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang tatlong menor de edad na aktong binubugaw pa sa Laguna.

 

Naaresto naman ang suspek na itinago sa pangalang Ana, 21 anyos.

 

Ayon kay Atty. Daniel Daganzo, hepe ng NBI Laguna, isang computer shop ang ginagawang tambayan ng mga biktima kung saan sila pinagpipilian ng kanilang customer.

 

Nadiskubre rin aniya nila na pinapagamit muna ng droga ang mga bata bago ireto sa kanilang customer para pumayag na gawin ang pinapagawa ng kanilang parokyarno.

 

Depensa naman ng suspek, alam ng mga magulang ng ilang mga bata ang kaniyang ginagawang pangbubugaw.

 

Sa ngayon ay hawak na ng Department of Social Welfare and Development region 4-a ang mga nasagip na biktima.

 

Habang pinaghahanap naman ang ibang miyembro ng grupo.

Facebook Comments