Nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang Number 1 sa mga Most Wanted Person sa bayan ng San Quintin.
Ang akusado ay nakilalang si Orlando Palaruan residente ng Brgy. Cabangalan sa nasabing bayan.
Inaresto ang akusado pasado alas nuebe ng umaga sa Barangay Nanggupuan kung saan ito ay nahaharap sa kasong panggagahasa na may petsang may 16 2023.
May piyansa na 200k ang kaso ng akusado para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang hinihintay ng PNP ang order para sa tamang disposisyon sa akusado. |ifmnews
Facebook Comments