Number 1 sa Top 10 Priority Data Base on Illegal Drug Personalities, arestado sa Pasig City

105

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Eastern Police District Drug Enforcement Unit at ng District Intelligence Division ang tinaguriang Number 1 Top 10 Priority Data Base on Illegal Drug Personalities sa isinagawang buy-bust operation sa Block 2, Lot 91, Molave St., Sicat Araw, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Roberto Jardin Datuin, 39-anyos.


Batay sa imbestigasyon ng EPD, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga elemento ng EPD District Drug Enforcement Unit at District Intelligence Division na nagresulta sa pagkaka-aresto ng naturang suspek.

Narekober sa suspek ang 5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at P500 na buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa suspek.

Facebook Comments