Manila, Philippines – Patay ang number 2 most wanted person matapos manlaban sa mga otoridad sa Los Baños, Laguna.
Ayon kay Los Baños police chief, Supt. Vic Cabatingan – kinilala ang suspek na si Rene Vasquez, 56-anyos na isinasangkot sa pagtutulak ng droga at sa gun for hire.
Ito aniya’y nag-ooperate sa Batangas at Cavite.
Narekober sa lugar ng suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu.
Nation
Facebook Comments