Naglabas ng abiso ang Pamahalaang Lungsod ng Makati na sususpendihin ang number coding sa nasabing lungsod.
Ayon sa Makati Local Government Unit (LGU), sa October 30 o araw ng botohan para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Election (BSKE) at sa November 1 at 2 oAll Saints’ Day at All Souls’ Day ay suspendido muna ang number coding.
Awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing official at special non-working holidays.
Samantala, paalala pa rin sa mga motorista na bibiyahe na sumunod sa mga panuntunan at mga checkpoints sa lugar.
Facebook Comments