Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mananatiling suspendido ang number coding scheme kahit ibaba ang buong bansa sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ayon kay MMDA Chairperson Benhur Abalos, hindi pa ibabalik ang number coding hanggang hindi naibabalik sa normal ang pampublikong transportasyon.
Ang number coding scheme ay mas kilala rin bilang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP), na layong mabawasan ang trapiko sa pamamagitan ng paglilimita sa biyahe ng grupo ng mga sasakyan batay sa huling digit ng kanilang plaka.
Noong nakaraang linggo, karamihan sa 17 miyembro ng Metro Manila Council (MMC) ay bumoto pabor sa MGCQ.
Facebook Comments