Nananatili pa ring suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila.
Ito ang iginiit ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary Celine Pialago.
Ayon kay Pialago, nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang National Capital Region (NCR) kaya limitado pa rin ang mga pampublikong sasakyan.
Magpapatupad din ng number coding scheme ang ilang Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila gaya ng Makati City.
Sa ngayon, hindi pa rin ito pinag-uusapan ng mga Alkalde sa NCR, kaya naman suspended until further notice ang number coding scheme sa buong Metro Manila.
Matatandaang sabay na sinuspinde ang number coding scheme ng ipatupad ang community quarantine sa NCR.
Facebook Comments