Number coding scheme sa umaga, epektibo na ulit bukas

Epektibo na ulit bukas, August 15, ang number coding scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa umaga.

Ipatutupad ito mula alas-7:00 hanggang 10:00 ng umaga tuwing weekdays, bukod pa sa umiiral nang number coding hours na mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Dahil dito, ang mga sasakyang ang plaka ay nagtatapos sa mga sumusunod na numero ay hindi papayagan sa mga kalsada sa mga nasabing oras:


 Lunes – 1, 2
 Martes – 3, 4
 Miyerkules – 5, 6
 Huwebes – 7, 8
 Biyernes – 9, 0

Ayon sa MMDA, makatutulong ang number coding scheme para mabawasan ng 20% ang nararanasang matinding traffic sa Metro Manila tuwing peak hours.

Ito ay bilang paghahanda rin sa pagbabalik ng limited face-to-face classes sa August 22 kung saan inaasahang lolobo sa 436,000 ang volume ng mga sasakyan sa EDSA na lampas sa average 405,000 na mga sasakyang bumabaybay sa naturang kalsada kada araw bago ang pandemya.

Samantala, simula August 15 hanggang 17, hindi muna titiketan ng MMDA ang mga lalabag sa number coding scheme sa halip ay papaalalahanan lamang sila.

Facebook Comments