Karampot na rollback sa langis, posible sa susunod na linggo

May panibagong rollback na namang aasahan ang mga motorista sa Martes, August 16.

Pero maliit lamang ito kumpara sa mga bawas-presyo noong mga nakaraang linggo.

Sa abiso ng oil industry, maglalaro sa P0.90 hanggang P1.20 ang matatapyas sa presyo ng kada litro ng diesel habang P0.20 hanggang P0.50 sa kerosene.


Nasa P0.10 hanggang P0.20 naman ang inaasahang rollback o kaya ay increase sa gasolina depende kung magpapatupad ng bagong cost adjustments ang mga kompanya ng langis.

Facebook Comments