Cauayan City, Isabela – Nakatakdang ipatupad ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Ilagan ang number coding system.
Tulad sa Cuayan City, ipapatupad ang paglabas ng mga sasakyan depende kung ang huling numero ng mga ito ay odd o even numbers. Ibig sabihin, ang mga sasakyang nagwawakas sa odd numbers o 1,3,5,7 ang tanging pinapayagang mamasada at lumabas tuwing araw ng Lunes, Miyerkule at Biyernes samantalang ang mga sasakyang may plakang nawawakas sa even numbers o 2,4,6,8 ay papayagang makalabas kada Martes, Huwebes at Sabado. Magiging libre naman ang araw ng Lingo para sa lahat.
Agyon kay Mr. Paul Bacungan, tagapagsalita ng City of Ilagan, ito ay para marendahan parin ang mga tao sa paglabas sa kanilang mga tahanan. Ayon pa kay Bacungan, ang GCQ ay walang pinagkaiba sa ECQ sa ensensya dahil parehas paring quarantine ang mga ito. Dagdag pa niya na ang GCQ ay hindi picnic na dapat samantalahin.
Sa ngayon, mahigpit paring ipinagbabawal ng LGU City of Ilagan ang paglabas ang mga mamamayang may edad na 20 pababa at 60 pataas. Sarado parin ang Tourism indudstry ng lungsod. Hindi parin maaaring puntahan at bisitahin ang mga pangunahin pasyalan tulad ng Bonifacio at Rizal park, Japanese Tunnel, Ilagan Santuary.