Nurse sa Italy, nagkitil ng buhay matapos magpositibo sa coronavirus

(Unsplash)

LOMBARDY, Italy – Nagpakamatay ang 34-anyos na nurse na isa sa naiulat na frontliners matapos itong magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa report ng the Daily Mail, mula nang makumpirma ng nurse ang pagkakaroon ng virus, labis na raw ang takot nito na baka maipakalat niya ang sakit habang nanggagamot sa mga pasyente sa San Gerardo Hospital sa Monza, Lombardy.

Patuloy pa rin kasi ang pagtatrabaho nito sa intensive care unit (ICU) kahit naka-quarantine na ito matapos magpositibo sa COVID-19.


Sa karagdagang ulat, isa ang naturang nurse sa 743 na namatay sa Italy nito lamang Martes.

Base naman sa pahayag ng general manager ng ospital, nagsimula na raw ma-homesick ang nurse mula noong ika-10 ng Marso  at hindi raw ito nabantayan.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring trahedya.

Samantala, sa talang inilabas ng Italian research institute, nasa 5,760 health care workers na ang mayroong coronavirus sa Italy.

(Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.

Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084)

Facebook Comments