Nurse sa Malaysia, binibigyan ng ihi at sili ang mga matanda sa elderly home

Image via Malaysia Gazette

Inireport ang isang nurse kung saan ay pinapainom ng ihi at pinapakain ng sili ang mga matanda sa isang pribadong nursing home sa Seremban, Malaysia.

Sa ibinahagi na video ni Cik Pah Cik Ton sa Facebook, makikita ang nurse na umanong sasapakin ang matanda na nasa ilalim ng pagkalinga ng nursing home.

Ang mga pamilya ng elderly residents ay nagbabayad para alagaan sila ngunit minsan ay hindi pala pinapakain ang mga ito.


Kung magrereklamo raw ang mga matanda ay tatawanan o ipagsasawalang-bahala na lamang ito.

Pinipigilan din umano ang mga matanda na makisalamuha sa isa’t isa.

Ang mga nursing staff ay pinaniniwalaan ding nasa mga edad na 20 lamang at hindi binibigyan ng karapat-dapat na pag-aalaga ang mga matanda.

Ayon sa Malaysia Gazette, sumang-ayon ang mga dating empleyado ng nursing home sa video at sinabing totoong ganito ang sitwasyon sa loob ng tatlong taon.

Sinabi naman na nagtagong sa pangalang Faizal, dating empleyado, nagkakaroon ng physical abuse at hindi pinapakain ang mga matanda na mas lalong nakaka-trauma sa kanila.

Itinanggi naman ni Azein Shaala, owner ng nursing home, ang mga alegasyon.

Sa datos na may namatay na 16 elderly residents sa ilalim ng kanilang pangangalaga, sinabi rin nilang katandaan at pagkakasakit ang dahilan nito.

Sa ngayon ay mayroon na lamang sila na 12 elderly residents.

Samantala, iniimbestigahan na ng Negeri Sembilan Social Welfare Department (JKM) ang insidente.

Ayon naman kay Tan Lee Koon, chairman ng State Women, Family and Welfare Affairs Committee, mananagot ang nursing home kung mapatunayan na may paglabag na ginawa ito.

Facebook Comments