Sol Mercado malungkot na iiwanan ang Ginebra

308
File photo | Image via PBA Media Bureau

Hindi napigilan maging emosyonal ni Sol Mercado, dating guard ng Barangay Ginebra, matapos i-trade sa Northport Batang Pier kapalit ni Stanley Pringle.
Aniya, naging kampante siya sa dating koponan at iiwanan niya ito ‘with a heavy heart.’

“I’m going through a truck load of emotions right now,” mensaheng isinulat ni Mercado sa kanyang social media accounts.

Dagdag pa niya, “Thank you for these past four years, I can honestly say it’s been the best years of my career.”

Taong 2016 nang unang magkampeon si Mercado sa Ginebra. Nasundan ito noong 2017 at 2018.

Sa ngayon, makakasama din niya sa Northport ang dating UST Growling Tigers at Gin King players Kevin Ferrer at Jervy Cruz.


 

Narito ang kabuuang post:

Facebook Comments

From Advertisers