Nurse sa US, inilarawan ang coronavirus na parang ‘binabali ang kanyang mga buto’

KENTUCKY, USA – Tila nababali ang mga buto – ganito isinalarawan ng isang nurse ang pakikipaglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa ulat ng the Louisville Courier-Journal, bago matapos ang buwan ng Marso ay nakaramdam ng ilang sintomas ang 43-anyos na si Meghan Harpole, isang assistant nurse assistant.

Dito raw ay agad niyang tinanong sa sarili kung mapagtatagumpayan ba niya ang laban mula sa bantang dala ng COVID-19.


Aniya, “I thought I was going to die.”

Malubha raw ang kanyang ubo, at nakararanas siya umano ng mataas na lagnat.

Nagkaroon din daw siya ng diarrhea at may isang beses na sinuka raw niya ang kanyang sariling plema.

“My body hurt so bad, it felt like my bones were breaking,” saad ni Harpole.

Kwento niya, lumala ang kanyang kondisyon kaya kinailangan umano siyang kabitan ng oxygen.

Dito na raw niya napagtanto na malala na ang kanyang kalagayan at maaari raw na hindi na niya muling makita pa ang kanyang anak.

Sabi niya, “They go in and get intubated. Oh my God, this is it. I may not make it. I may be on a ventilator. I may not be able to see my son for weeks.”

Nang sumailalim umano siya sa X-ray, nasurian na mayroon na siyang pneumonia sa kanyang baga.

Sa kabila nito ay nakiusap ang naturang nurse na kung maaari raw ay manatili na lamang siya sa kanilang bahay habang naka-oxygen dahil walang kasama ang kanyang anak.

Napagkasunduan ng mga doktor na iuwi ito habang mayroong breathing treatments at ilang antibiotics.

Samantala, hindi pa clear si Harpole mula sa coronavirus ngunit aniya ay pagaling na siya umano.

Banggit niya sa huli, may takot pa raw siya sa bantang dala ng virus.

Facebook Comments