Nurse, Timbog sa kasong Illegal Recruitment

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang nurse matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest nito dahil sa illegal rectruitment sa Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang suspek na si Marilyn Bangaan, 46-anyos at residente ng Liwan West, Rizal, Kalinga.

Ayon sa pulisya,naaresto ang suspek matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Jerson Angog, Presiding Judge ng RTC Br. 25 Tabuk City.


Inirekomenda naman ng korte ang halagang P400,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.

Nasa pangangalaga na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyonb at disposisyon.

Facebook Comments