Pinuri ng publiko ang grupo ng mga nursing students mula sa Universidad de Dagupan (UdD) dahil sa kanilang mabilis at mahabaging pagtugon sa isang aksidente na naganap kamakailan sa kahabaan ng Arellano Street, Dagupan City.
Ayon sa mga saksi, agad rumesponde ang mga estudyante matapos masaksihan ang salpukan ng dalawang sasakyan malapit sa entrada ng isang mall. Walang pag-aalinlangan nilang nilapitan ang mga biktima, sinuri ang kalagayan ng mga ito, at nagbigay ng paunang lunas habang hinihintay ang mga emergency responders.
Kinilala naman ng pamunuan ng universidad ang ipinakitang tapang, malasakit, at propesyonalismo ng kanilang mga mag-aaral.
Bagama’t walang naiulat na malubhang nasugatan, malaki ang naging ambag ng mabilis na aksyon ng mga estudyante sa pagpigil sa posibleng paglala ng sitwasyon.
Patunay ang insidenteng ito na ang tunay na diwa ng serbisyo at malasakit ay nahuhubog hindi lamang sa loob ng silid-aralan kundi sa aktwal na panahon ng pangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









