NVOC, i-aapela sa health technology assessment council na mabigyan narin ng 2nd booster ang mga paalis ng OFWs

Irerekumenda ng National Vaccination Operations Center (NVOC) sa Health Technology Assessment Council (HTAC) na mabigyan narin ng 4th dose o 2nd booster shot ang mga Overseas Filipino Workers na paalis na.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni NVOC Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na mayruon kasing mga bansa ang nagrerequire ng 2nd booster o hindi kinikilala ang kanilang bakuna kung kaya’t iaaapela ng NVOC sa HTAC na mapasama narin ang mga paalis nang ofws na maturukan ng 4th dose ng bakuna.

Samantala, para naman sa mga guro at iba na matatalaga sa mga polling precincts para sa nalalapit na May 9 elections, sinabi ni Cabotaje na sapat nang mayruon silang primary dose at 1st booster shot.


Sa ngayon kasi tanging immunocompromised individuals pa lamang ang inirekumendang maturukan ng 2nd booster shot.

Base sa pinakahuling datos ng NVOC nasa 6,702 na ang mga nabigyan ng second booster na immunocompromised individuals.

Facebook Comments