NVOC, target na masimulan ang pagbibigay ng 2nd booster shot bago matapos ang Abril

Nagkaroon lamang ng konting delay o pagkaantala sa pagsisimula nang pagbabakuna ng 2nd booster shot sa targeted population.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na ito ay dahil hinihintay pa nila ang review at rekomendasyon ng Health and Technical Assessment Council para opisyal nang ma-roll out ang 4th dose ng bakuna sa bansa.

Ayon kay Usec. Cabotaje nakahanda na ang guidelines para dito at nakahanda na rin ang pamahalaan sa pagtuturok ng 2nd booster dose.


Aniya, target na masimulan ito sa susunod na linggo o bago matapos ang Abril.

Tanging ang mga medical health workers, senior citizens at immuno compromised individuals pa lamang ang maaaring bigyan ng 2nd booster shot.

Sa National Capital Region (NCR) muna ito unang i-ro-roll out pero nag-request na rin ang Regions 3 at 4A na sila ay isali sa initial roll out at kapag ito ay naging matagumpay ay ipatutupad na rin sa buong bansa ang pagbibigay ng 4th dose sa ilang piling indibidwal.

Facebook Comments