DepEd nagdagdag ng isang linggo sa proposed school calendar para sa taong 2022-2023

291

Para makumpleto ng mga mag-aaral ang kanilang dapat matutunan sa paaralan nais ng Department of Education (DepEd) na magdagdag ng isang linggong pasok para sa taong 2022 hanggang 2023.

Sa kakatapos lang ng press conference ng DepEd merong 215 na pasok ang mga mag-aaral.

Magsisimula ito sa Agosto 22,2022 at magtatapos ng July 7, 2023.


December 19,2022 ang Christmas break habang January 2, 2023 ang resumption of classes.

Ang bakasyon o mid year break ng mga mag-aaral ay sa February 6-10, 2023 habang ang end year rites ay sa July 10-14, 2023.

Base rin sa school calendar July 17, 2023 ang simula ng remedial, enrichment, advance classes sa summer.



Samantala magsisimula naman ang pasok para sa year 2023-2024 sa Agosto 28, 2023.

Facebook Comments