NWRB, hindi muna babawasan  ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila

Tiniyak na ng National Water Resources Board na mananatili sa 42 cubic meters per second ang alokasyon sa tubig sa dalawang water concessionairre na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila at kalapit lalawigan.

Ito ay sa harap nang pagbaba  muli ng level ng tubig sa Angat Dam.

Sa Monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometeorology Division nasa 203.15 meters Ang water level ng dam.


Ayon kay Dr. Sevillo David Jr., Executive Director ng NWRB, binabalans nila ang sitwasyon para hindi maulit ang problemang dulot ng mas mababang alokasyon gaya nang naranasan noong nakalipas na taon.

Nasa 46 cubic meter per second ang normal na alokasyon para sa Metro Manila.

Ngayon ay 42 cubic meter per second pa lamang ang ibinibigay nila.

Noong nakalipas na taon ay ibinaba pa ito sa 40 cubic meters per second at inalis rin ang alokasyon para sa irigasyon  matapos na bumaba sa 180 meters ang tubig sa Angat Dam noong taon 2019.

Pakiusap ni Dr. David ng NWRB sa publiko, maging matipid sa paggamit ng tubig upang maging maayos ang antas ng suplay mula sa Angat Dam hanggang sa pagpasok ng panahon ng Tag-ulan.

Facebook Comments