Nakahanda ang National Water Resources Board (NWRB) at ibang ahensya ng pamahalaan sa paparating na dry season.
Sinabi ito ni NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Jr. kasabay ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam na ngayon ay nasa 197.85 meters na lamang.
Mas mababa ito sa normal water level nito na 210 meters.
Dahil dito, siniguro ni David na napaghandaan nila ito at mina-manage nang maayos ang limitadong suplay ng tubig sa Angat Dam.
Dagdag pa nito, nakahanda silang gumamit ng deep wells at nakapag-establish ng mga water treatment facilities sa Laguna Lakes at Marikina River na maaaring makatulong sa pagdagdag ng suplay ng tubig.
Ang Angat Dam ay sumusuplay sa 95% ng bahagi ng Metro Manila at karatig probinsya.
Facebook Comments