NWRB: Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat hanggang Hunyo

 Sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila para sa buwan ng Mayo at Hunyo.

Ito ang tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) kasunod ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam bunsod ng tumitinding init ng panahon.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., sa ngayon, masasabi pa namang normal ang lebel ng tubig sa Angat Dam na nasa 189.3 meters.


Pananatilihin din ng NWRB sa 46 cubic meters per second ang regular na alokasyon nito ng tubig sa Kamaynilaan para masigurong may sapat na magagamit ang mga consumer sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Bagama’t sapat ang suplay, umapela pa rin si David sa publiko na magtipid sa pagkonsumo ng tubig.

Facebook Comments