NWRB, tiniyak na sapat ang water supply sa Metro Manila 

Tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) na sapat pa rin ang supply ng tubig na mula sa Angat Dam para tugunan ang pangangailangan ng mga residente sa Metro Manila.

Ayon kay Dr. Sevillo David Jr, Executive Director ng NWRB, sa ngayon nasa 200.97 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam na mas mataas ng dalawang metro sa itinakdang minimum operating level na 180 meter.

Aniya, bagaman patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sapat pa rin aniya ito para suplayan ang 97 porsyento na mga lugar sa Metro Manila.


Gayundin ang pangangailangan sa mga irigasyon sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga.

Facebook Comments