Trending ngayon sa Social Media ang post ng babaeng si Amy Bacares, kung saan, makikita ang mga larawan ng isang babaeng pasahero sa van na nanganganak habang tinutulungan ng kapwa niya pasahero.
Linggo ng umaga, Octrober 8, 2017, habang tumatakbo papuntang Naga City ang UV Express Van galing sa bayan ng Goa sa Camarines Sur, isang pasaherong buntis na kinilalang si Remelyn Frondozo, 28, ng Barangay Panday, Goa, ang nakaramdam ng pananakit ng tiyan. Naging dahilan din ito para medyo mataranta ang asawa at iba pang mga kapwa pasahero ng Van.
Ayon pa sa post ni Bacares, dumaan sila sa ospital sa bayan ng Ocampo para ipa-admit si Remelyn, subalit tinanggihan umano ito ng ospital dahil sa kondisyon ng babae. Mataas umano ang BP o Highblood at delikado ang kalagayan ng nagdadalantaong babae; kasabay ng rekomendasyong dalahin na lamang siya deretso sa Regional Hospital sa Naga City.
Subalit habang nasa kahabaan ng High-Way sa bayan ng Ocampo, di na napigilan ni Remelyn at iniluwal nito ang isang malusog na batang babae. Nagkakagulo na ang mga pasahero, ilan pa sa kanila ay napapasigaw na – hawak-hawak ang kanilang dala-dalang rosaryo.
Sa kabutihang palad, isang dalaga na kinilalang si JM Palma Cabarle, nagkataong pasahero rin ng naturang Van ang naglakas-loob na tumulong.
Normal at ligtas na nailuwal ni Remelyn ang isang malusog na batang babae.
Matapos ang naturang insidente, napagalaman na ang dalagang si JM Palma Cabarle ay isang graduating nursing student ng Bicol University sa Legaspi City.
Bilang pasasalamat sa di makalimutang pangyayari, VANESSA JM ang ipinangalanan ni Remelyn sa kanyang malusog na anak, – hango sa pinaglulanang sasakyan (Van) at JM na hango naman sa pangalan ng instant bayaning graduating nursing student na si JM Palma Cabarle.
Sa isa pang social media post ni Eugenia Bebe Musico Navesa, nakasaad din ang maikling kwento ng kagila-gilalas na pangyayari – “Today, October 8, 2017 at about 6:44 AM, a healthy baby girl was born. An incident happened when a pregnant woman who’s sitting beside me gave birth to her baby girl in a van heading to Naga. Kudos to JM Palma Cabarle, a graduate of Goa Central School who’s now a 4th-year-college nursing student, took charge in delivering the baby. No doubt that she will be a good nurse in the near future because at this early stage, you can already see her dedication and passion in serving people, We are so proud of you JM…”
Kasama mo sa balita, RadyoMaN Paul Santos, Tatak RMN!