Manila, Philippines – Maghaharap mamaya si Pangulong Rodrigo Duterte at ang bagong Supreme Court justice na si Teresita De Castro.
Mangyayari ang pagkikita ng dalawa sa nakatakdang ceremonial oath-taking ni De Castro sa harap ng Presidente mamaya sa Malacañang.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong maghaharap at magkikita ang dalawa matapos manumpa nitong nakalipas na Martes ang bagong punong mahistrado sa Supreme Court en banc.
Nitong nakalipas na Sabado kinumpirma ng Palasyo ang pagkakapili ni Pangulong Duterte kay De Castro bilang bago at kauna-unahang babaeng Chief Justice gayung deklaradong ineligible si Maria Lourdes Sereno na ituring na chief justice dahil sa kawalan ng constitutional qualification.
Si De Castro ay magsisilbi bilang punong hukom ng isang buwan at tatlong linggo lamang.