Manila, Philippines – Kinontra ni Lingayen Archbishop Oscar Cruz ang ipinagmamalaki ng PNP na bumaba ang murder cases sa bansa kumpara noong nakaraang 2016.
Ayon kay Cruz, walang katotohanan ang pahayag ng PNP na bumabang 7.98 percent ang murder cases kumpara noong nakaraang taong 2016 na 6,945 murder cases kumpara sa ngayon na 6,391 murder cases naitalang PNP.
Paliwanag ni Cruz, self-serving ang naging pahayag ng PNP na bumaba ang murder cases dahil base sakanya ng pagtatanong sa mga mahihirap ay lalong lumala pa umano ang mga nangyayaring patayan sa bansa.
Giit ni Cruz, kung ikukumpara sa nakaraang administrasyon ay masipag ang mga pulis sa kanilang mga operasyon na may kinalaman sa iligal na droga kung saan marami ngayon ang napapatay na mga adik.